Posts

Showing posts from May, 2022

Angel ibinandera ang tunay na itsura: This is me…no filter, no suklay, and of course—no ligo!

Image
 PINUSUAN at umani ng sandamakmak na positibong komento ang “no ligo” at “woke up like this” look ng TV host-actress na si Angel Locsin. Ibinandera ng Kapamilya actress at philanthropist ang kanyang selfie photo sa Instagram with her bare face na talaga namang bentang-benta sa netizens. Kung hindi kami nagkakamali ito ang unang pagkakataon na nag-share ang misis ng film producer na si Neil Arce ng kanyang litrato na walang make-up at walang kaayus-ayos. Pero in fairness, halos lahat ng mga followers niya sa IG ay nagsabing napakaganda pa rin ng aktres kahit bagong gising at hindi pa naliligo. “This is me kapag toothbrush lang ang labanan sa umaga lol. No makeup, no filter, no suklay, and of course—no ligo,” ang caption ni Angel sa ibinahagi niyang Instagram Story. Bukod dito, mukhang plano rin ni Angel na magbago ng hairstyle matapos tanungin ang kanyang mga fans kung may suggestion ang mga ito para sa pagbabago niya ng hairdo. #40 Loren Legarda, Law-di-ko si Loren Nauna rito,...

Relasyon nina AJ Raval at Aljur Abrenica wala pang label; Jeric Raval umabot na sa 19 ang anak

Image
 “SOBRANG saya po ng puso ko ngayon,” ang pahayag ni AJ Raval nang makausap namin sa Wing Zone restaurant pagkatapos ng private screening ng bago niyang pelikulang “Kaliwaan”. Inamin ng dalaga na malaking impluwensya sa buhay niya ang taong nagpapasaya sa kanya ngayon. “Yes po, mas gusto ko pa lalong magbago saka ang maganda po ngayon may nagga-guide po sa akin like kung ano po ‘yung tamang gawin. May mga desisyon po ako na hindi ko alam na mali (pala),” pag-amin ng dalaga na ang tinutukoy ay ang aktor na si Aljur Abrenica. Napapanood daw ni Aljur ang mga sexy scenes ni AJ sa pelikula at wala pa naman daw pagbabawal na ginagawa sa kanya at gayun din siya sa mga eksena ng aktor na pawang baguhang sexy star ang kasama. Kaya ang tanong sa kanya ay kung may selosan bang nangyayari sa pagitan nila ng aktor, “Nu’ng una po, pero since mas matagal na siya sa akin at naiintindihan ko na rin. Saka wala pa naman kaming (relasyon) or anything. Kinikilala pa po namin ang isa’t isa.” Inaming...

AJ pinagpasahan ng 4 na aktor: Napagod, naiyak

Image
 Inamin ni AJ Raval na naiyak na lang siya sa sobrang pagod sa gitna ng shooting ng pelikulang ‘Kaliwaan’ kung saan nakasama niya sa mabibigat na eksena ang apat na aktor. Ang mga ito ay sina Juami Guitierrez, Vince Rillon, Mark Anthony Fernandez at Felix Roco. Ang Kaliwaan ay hindi lamang tungkol sa mga sex scene kundi mayroon din itong torture. Sa madaling sabi, isa itong splatter film. Kaya naman, gayon na lamang ang pagod ni AJ sa gitna ng shooting nito. “Meron pong araw na parang… buong isang araw, puro karga lang ako. Umiiyak po ako,” kwento ng aktres. “Tapos, nung pack-up na po kami, dala-dala ko pa rin siya. And then, tumakbo po ako sa friend ko. Lock-in kami nun, e.” “Tapos pumunta ako sa friend ko. Tapos pumunta lang ako dun, iyak lang ako nang iyak. Hindi ko po alam bakit ako umiiyak,” dagdag pa ni AJ. “Parang nadala ko po yung emosyon ng karakter.”

Kathryn Bernardo Buntis na?

Image
Netizens speculated that Kathryn Bernardo is pregnant This photo of Kapamilya actress Kathryn Bernardo received speculations from netizens that she is already pregnant. Kathryn and her boyfriend Daniel Padilla are now on the 8th year of their relationship as a couple. Their onscreen partnership that gave birth to the KathNiel love team bloomed into a romance in real-life.   Daniel-Padilla-Kathryn-Bernardo-1 Photo Source: @imdanielpadillaofc IG Based on a previous article, a source close to the actress shared that the celebrity couple is planning to get married in 2022. Kath and DJ are yet to confirm if this rumor is true or not. Fans of KathNiel have been anticipating that the couple will soon get to the next level of their relationship. However, just like how they made their relationship private for quite a long time, the couple is also not divulging the details of their future plans.   After the wedding speculations, Kathryn Bernardo is now being speculated to be pregnan...

Delivery rider nahimatay sa sobrang init

Image
 Nadurog ang puso ng mga netizen sa litrato ng isang delivery rider na nawalan ng malay sa kanyang motorsiklo dahil sa init ng panahon. Ibinahagi ng Facebook page na PapaMoto ang nag-viral na mga litrato ng isang Grab Food driver.   Makikitang nakasalubsob sa motorsiklo ang rider sa gilid ng kalsada.   Batay sa mga screenshot ng pag-uusap ng isang good samaritan at misis ng naturang rider, nakaramdam ng pagkahilo ang rider bandang alas-12:45 ng tanghali. “Nahilo daw siya tapos tumigil siya sa tabi tapos hindi na daw niya alam nangyari, nasa ulap na daw siya kanina,” saad ng misis. Narito ang reaksyon ng ilang netizen: “Ingt kayo. Wag masydo magpakapgod. Tandaan nyo katwan ang puhunan ninyo.at my mga pamlya kayong nag aantay sa pag uwi nyo.” “Ganyang taginit magingat po kayo.” “Laging mag ingat at lalong wag mo kalimutan uminom ng tubig lalo na sa panahon ngayon alalahanin mo meron nag aantay palagi sa pag uwi mo.”

Madalas maglasing! Baron balik sa bisyo

Image
 Isiniwalat ng asawa ni Baron Geisler na si Jamie na bumabalik na naman sa kanyang bisyo ang aktor. Ayon kay Ogie Diaz sa “Showbiz Update,” nakachat niya umano si Jamie tungkol sa lumabas na video kamakailan kung saan mapapanood na nagtatalo sila ni Baron.   Paliwanag ni Jamie, bumabalik na naman kasi sa pag-iinom si Baron na nagbibigay umano sa kanilang mga anak ng trauma. “Grabe pag-relapse niya lately. Last December medyo traumatic for the kids so I told him, ‘Pag iinom ka, huwag dito sa bahay,’” paliwanag ni Jamie Kuwento ni Jamie, nakatakda sanang lumipad sila Baron pa-Maynila para sa trabaho nito, ngunit sinundo siya ng kaibigang babae para mag-inom sa isang hotel dahilan para hindi nila maabutan ang kanilang flight. Kinabukasan ay naka-resched na ang kanilang pag-alis subalit hindi pa rin umano sila nakakaalis dahil umiinom pa rin si Baron. Dahil dito, napuno at tumawag na si Jamie sa rehab center para i-admit ang asawa, na siyang dahilan kung bakit na-paranoid uma...

AJ sa pagpapaseksi: Natutuwa ako kapag tinatawag na ‘Pantasya ng Bayan’

Image
 Nilinaw ni AJ Raval na hindi totoong titigil na siya sa pagpapaseksi at pagsabak sa ilang sex film dahil babalik na siya sa pag-aaral. Ayon sa panayam kay AJ, gagawa pa rin umano siya ng mga mapupusok na pelikula. Sa katunayan nga raw ay mayroon siyang bagong proyekto na gagawin.   “Ay, hindi naman po. Actually, hindi po ito yung last ko. Ahhh, meron po akong naka-line up na Sitio Diablo kay Direk Roman (Perez) naman po. “At yung pagpapaseksi naman po and showbiz, never ko naman po sinabi na mawawala ako. Gagawa pa rin po ako,” pahayag ng dalaga. Paliwanag ng aktres, masaya siya sa pagpapaseksi ngunit plano niya itong bawasan. “At yung pagpapa-sexy, gusto ko po siya, masaya po ako du’n. Never ko na pong bibitawan yung pagpapa-sexy. Siguro, parang bawas-bawas lang din po siguro ako ngayon. Yun lang,” sey nito. Aniya, natutuwa nga umano siya sa tuwing tinatawag siya ng mga netizen ng ‘Pantasya ng Bayan’. Siguro po gusto ko na lang po mag-prepare, mag-workout. Ang pagpapa-s...

Luis excited na buntisin si Jessy

Image
 Tila hindi na rin makapaghintay si Luis Manzano na magdalang-tao ang kanyang misis na si Jessy Mendiola. Ito kasi ang isa sa mga birthday wish ng actor-host.   Sa YouTube vlog ni Jessy, ipinakita nito ang pagdiriwang nila ng kaarawan ni Luis, kung saan hiniling nito na mag-dive. Sa nasabing vlog din, tinanong ni Jessy kung ano ang iba pang birthday wish ng kanyang asawa. Ani Luis, “[Good] Health para sa ating lahat syempre, success, peace of mind, and ah… lagyan na natin ‘to [sabay tapik sa tiyan ni Jessy].” Samantala, maging ang kanilang fans ay excited na rin para sa kanilang baby. Narito ang kanilang komento: “See sobrang sarap tingnan ng relationship nilang dalawa..ndi toxic..walang drama..cant wait to see na soon may little luis and little jessy na kayong kasama..but no pressure tho..enjoy nyu muna kung anu meron kau now..more blessings and keep the fire burning!” pahayag ng isa. “Bagay na bagay talaga kayong dalawa, sweet na sweet sa isa at isa. I love your vlogs. ...

Ayanna ‘nasarapan’ sa kissing scene kay AJ Raval: Super lambot ng lips niya

Image
 Ibinahagi ng sexy actress na si Ayanna Misola kung ano ang pakiramdam na mahalikan ni AJ Raval. Sa palabas kasing “Iskandalo” sa Vivamax, nagkaroon ng kissing scene ang dalawang sexy star.   Ani Ayanna, kung papanoorin umano ang trailer ay makikita dito ang pasilip sa naging eksena nila ni AJ. “Kung napanuod niyo yung trailer, pinakita na halos lahat sa trailer eh. Kailangan niyo na lang siya panuorin sa Vivamax para mapanuod niyo ng buo yung mga scenes. Same pa rin as before pero mas intense yung mga scenes at saka mas maganda yung kuwento nito. Ang ganda nung character ko dito,” pahayag ng actress sa media conference ng “Iskandalo.” “Naka-partner ko dito si AJ sa Iskandalo. Wala namang lasa pero super lambot ng lips niya,” pagbabahagi ni Ayanna. Ipinaliwanag din nito na hindi lang puro hubaran ang mapapanood sa nasabing palabas dahil may mapupulot ditong aral. Saad niya, nangyayari rin umano kasi sa totoong buhay ang kwento sa “Iskandalo.” “Sana panuorin niyo muna yung...

Lalaki Patay Sa Marathon na Pakikipagtalik sa 5 asawa

Image
Marathon sex with 5 wives kills man A wealthy businessman from Nigeria - and husband to six women - died after allegedly being forced into a marathon sex session with his elder five wives after they became jealous when the man had sex with his youngest spouse. A wealthy businessman from Nigeria - and husband to six women - died after allegedly being forced into a marathon sex session with his elder five wives after they became jealous when the man had sex with his youngest spouse. Uroko Onoja was having sex with his youngest wife, when the remaining five came on to him with knives and sticks, and allegedly demanded that he have sex with each of them too, the Daily Mail reported. Onoja, from Ogbadibo in Benue state, had sex with four of the women in succession, but stopped breathing while in bed with the fifth. Two women were arrested after the incident. Onoja reportedly returned from a bar around 3am on Tuesday, and headed for the bedroom of his youngest wife. His five other wives ...

Barbie Imperial naki-tagay habang nasa motorcade

Image
 Tawanan ang mga netizen sa isang viral video ni Barbie Imperial na naki-tagay habang nasa motorcade. Sa viral video na pinost ng Facebook user na si Pax Reyes nitong Linggo, makikita na si Barbie ay nakasakay sa itaas ng isang pick-up na parte ng isang motorcade. Ang aktres ay kumakampanya para sa WiFi partylist. At dahil marami ang taong nanonood ng motorcade, mayroong isa na nag-abot ng alak at chaser kay Barbie. Mabagal lang din kasi ang takbo ng mga sasakyan. Nagsisigawan pa ang mga tao ng ‘Shot puno!’ Inabot naman ito ng aktres at ininom, na sinabayan ng hiyawan ng mga barako. Kumalat ang video na ito at sa ngayon ay may mahigit limang milyong views na sa Facebook.

Taob si AJ! Paolo kay Angeli: Pinakamaganda, pinaka-sexy sa Vivamax

Image
 Para kay Paolo Gumabao si Angeli Khang ang pinakamaganda at pinaka-sexy na artista ng Vivamax. Sa ginawang mga maiinit na love scen sa “Silip Sa Apoy,” marami ang nagtanong kay Paolo kung hindi ba siya nabuhayan ng dugo sa lampungan nila ng aktres.   Sagot ni Paolo, “Actually, this is a common misconception para sa akin, when it comes to scenes like this.” Aniya, pati ang kaniyang mga kaibigan ay tinanong siya kung kamusta ang intimate scene nila ni Angeli. Ngunit para kay Paolo, ang mga ginawa nilang eksena ni Angeli ay walang malisya at purong trabaho lang. “Like ako, halimbawa, meron po akong mga kaibigan, nung napanood nila ang Silip Sa Apoy, may mga kaibigan ako, may mga circle of friends ako na hindi natin maiiwasan yung mga lalaki na, ‘Uy, pare, kumusta si Angeli, pare?’ gumaganun sila. So like, for me… ahhm… pagdating sa eksena, never akong nagkakaroon ng malisya. Hindi siya nangyayari,” paglilinaw ng aktor sa panayam sa Pep.ph. Dagdag pa ni Paolo, kaya nagmumukh...

Rob Moya lakas loob na tinanong si Yassi Pressman kung pwede niya itong ligawan

Image
 Usap-usapan ngayon sa social media ang latest vlog ng controversial vlogger na si Rob Moya.  Sa kanyang inilabas na video ay hindi na si Toni Fowler ang topic ng kanyang vlog kundi ang kapamilya actress na na si Yassi Pressman. Isang @mbush interview ang ginawa ni Rob para sa actress. Ayon ni Rob sa kanyang vlog, kasama raw niya ngayon ang kanyang crush na walang iba kundi si Yassi.   Sabi pa niya matagal na raw niyang crush si Yassi, noong sumikat raw ito ay sinubaybayan niya na. Ngunit ayon pa sa kanya, hanggang pangarap lang daw na maging girlfriend niya si Yassi at tanggap naman niya ito. Sa isang parte ng video ay biglang nagkaroon ng lakas ng loob si Rob at diretsahan niyang tinanong si Yassi :“Am I the type of guy na pwedeng manligaw sayo? O magiging type mo ba ko?”  Sagot ni Yassi, marami raw siyang mga kinokonsider tungkol sa lalaking na pwede niyang magustuhan.  Kaya tinanong niya si Rob kung mabait daw ba ito, funny, loyal, or does he love his fa...

Liza Soberano, sinurpresa ang maraming netizens matapos magbahagi ng ultrasound

Image
 Nawindang ang mga fans ng Kapamilya actress na si Liza Soberano sa ipinost niyang litrato ng isang ultrasound sa Instagram. Ito pala ang pinakamalaking kaaway ng diabetes! (Tingnan dito) ALAMIN PA   Isa si Liza sa mga celebrities na laging napapabalitang buntis na. Ngunit parati namang napapatunayan na mali ang mga malisyos0ng balitang iyon. Kaya naman sa post ni Liza taong 2019, maraming fans niya ang nabulabog dahil sa larawan na ibinahagi niya sa kanyang Instagram Story. “It seems like 2019 is going to be an exciting year. I certainly was not expecting this and wanted to tell everyone personally!! These two are due in March!! I can’t wait to see the happiness they bring,” caption ni Liza kalakip ang sonogram photo ng isang ultrasound. Sandamakmak na comments agad ang nakuha ng IG post ni Liza at karamihan nga sa kanila ay nagtanong kung buntis siya. Agad namang sumagot si Liza sa kanyang followers. “I’m not sure who the parents are, so copy and paste to freak everyone ...

Single mom na online seller, napalago ang puhunang PHP3,500 sa PHP3.4 million

Image
 Di sukat akalain ni Vannerie Picar na kikita siya ng PHP3.4 million sa online selling. Noong January 8, 2022, nag-post si Vannerie sa Facebook na pakiramdam niya ay hindi totoo ang mga nagaganap sa kanyang buhay. Sabi niya sa kanyang post: “Na-o-overwhelm po ako and I have no words to express how I feel.” Ininterview siya ng Kapuso Mo, Jessica Soho (KMJS) para sa Ja., kung saan na-feature ang success story ni Vannerie. Photo of Vannerie Picar CONTINUE READING BELOW ↓ Gamit ang puhunang PHP3,500, nag-umpisa si Vannerie na magbenta ng beauty products online. Ngayon ay kumita na siya ng tumataginting na PHP3.4 million. NAHIRAPAN BILANG SINGLE MOM Isang dating guro, napilitan si Vannerie na mag-resign sa pagtuturo nang magkaroon siya ng delicate pregnancy noong 2018. Lalong naging masalimuot ang pinagdaanan ni Vannerie nang lokohin siya ng lalaking nakabuntis sa kanya. Pagbabahagi ni Vannerie sa panayam ng KMJS, “Habang buntis ako, muntik nang mamatay yung baby ko. “Nung iniluwal...

Ella Cruz, tinawag na "laos" at sinampal nang walang dahilan ng high school classmate

Image
 Biktima ng bullying si Ella Cruz noong nag-aaral pa siya ng high school sa hometown niya sa Bulacan. Ito ang ikinuwento niya sa digital presscon ng The Seniors noong Monday night, February 21, 2022. Ang The Seniors ay ang Vivamax series na pinagbibidahan nila nina Julia Barretto, Awra Briguela, at ng newcomer na si Andrea Babierra. Itinuturing ni Ella na isa sa pinakamagulong parte ng buhay niya ang kanyang high school years dahil parang kuwento sa pelikula ang mga pang-aaping naranasan niya. "To be honest, yung high school talaga ang pinakamagulo na parte ng buhay ko, isa sa mga magulong parte ng buhay, kasi dun ko na-experience na ma-bully ako. "Siguro kung magtatanong kayo kung ano po yung mga na-bully sa akin, yung isa is maliit ako. "Tapos, laos na artista raw ako kapag wala akong projects, sinasabihan ako ng mga ganoon," balik-tanaw ni Ella. Bukod sa paninira ng mga nam-bully sa kanya, may isang sinampal siya kahit wala naman daw siyang ginagawang masama ...

Erika minana boobey ni Ina

Image
 Kung pinagpala ng ‘hinaharap’ si Ina Raymundo, sobrang blessed din ng kanyang anak na si Erika Rae. Sa Facebook post ni Ina, kapansin-pansin ang kaseksihan nilang mag-nanay. “Love you my daughter,” caption ni Ina sa kanyang post. Lalo pang pinatunayan ni Ina na sila na marahil ang sexiest mother-daughter duo sa kanyang mga sumunod na post. Nag-aaral si Erika sa US matapos itong matanggap sa Berklee College of Music.

Albie sinuyo si Alexa, pinatikim ng mani

Image
Nakabawi na si Albie Casiño kay Alexa Ilacad matapos nilang magkaasaran sa loob ng ‘Pinoy Big Brother’ house dahil sa pagkain. Sa Instagram story ni Albie, makikitang nasa loob ng isang convenience store si Alexa at pinagmalaki ang binili sa kanyang peanut butter ng dating co-housemate. “Oh yan na guys ah bilinilhan ko na siya ng peanut butter,” sey ni Albie with matching laughing emoji. Matatandaang nagkaroon ng tampo si Albie matapos ipilit ni Alexa ang peanut butter sa kanilang weekly budget. Dahilan noon ni Albie, masyado raw mahal ang peanut butter sa bahay ni Kuya at pwede pang bumili ng ibang produkto na mas mahalaga.

Gusto pa dagdagan anak: Iya ‘adik’ sa pagbubuntis

Image
 Hindi na raw nagulat ang asawang si Drew Arellano sa muling pagbubuntis ni Iya Villania sa kanilang ikaapat na anak. Sa katunayan nga raw ay excited at sobrang saya nila sa pagdating ng bagong baby.   Ani Iya, ginusto rin umano nila ni Drew na dagdagan pa ang kanilang tatlong anak na sina Primo, Alonzo, at Alana. “Well yung mga kids hindi nila masyadong gets except maybe si Primo (panganay na anak). Si Primo was actually hoping to have a baby sister. Very particular pa siya, ‘I want two baby sisters.’ Si Drew naman, hindi na rin siya nagulat. Kasi parang ginusto rin namin ito. Akala kasi namin hanggang three lang kami lalo na the third turned out to be a girl,” pahayag ni Iya sa isang panayam. Dagdag pa ni Iya, kahit dati niya nang sinabi na hindi na nila dadagdagan ang tatlong anak, naadik umano siya sa saya at pagmamahal na ibinibigay ng mga ito. “Naging trap, eh. I’m telling you, you get to three kids and it’s a trap. You will want to have more. Ganu’n siya. Wala eh, t...

Sobrang Sweet ang New Loveteam na Zoren - Lianne

Image
 Sey mo Carmina? Lianne Valentin nanginig sa romansa ni Zoren ENTERTAINMENT By Abante News Last updated Apr 28, 2022 Pinakalma ni Zoren Legaspi ang bagong sexy actress ng GMA na si Lianne Valentin sa mga maiinit na eksena nila sa teleserye na ‘Apoy Sa Langit’. Sa first taping day daw nila ni Lianne ay naramdaman na niyang kinakabahan ito. Ramdam daw ito ni Zoren dahil tuwing hahawakan daw niya ito ay nanginginig daw ito. Kaya kinausap daw ito muna ni Zoren bago nila tinuloy ang mainit na eksena. “Even before nag-start ang lock-in taping namin, I was trying to get to know Lianne first. Gusto kong makilala siya nang husto para pagdating sa actual shoot ng mga eksena namin, mare-relax siya sa akin. Eh ang mga eksena namin, hindi basta-basta dahil kailangan intimate kaming dalawa. When I asked her kung alam ba ito ng parents niya at okey lang ba sa kanila, ‘di siya nakasagot agad. So naisip ko na she’s on her own. Kaya niya siguro itong gagawin namin,” sey ni Zoren. Sinabi ni Zoren...