AJ sa pagpapaseksi: Natutuwa ako kapag tinatawag na ‘Pantasya ng Bayan’
Nilinaw ni AJ Raval na hindi totoong titigil na siya sa pagpapaseksi at pagsabak sa ilang sex film dahil babalik na siya sa pag-aaral.
Ayon sa panayam kay AJ, gagawa pa rin umano siya ng mga mapupusok na pelikula. Sa katunayan nga raw ay mayroon siyang bagong proyekto na gagawin.
“Ay, hindi naman po. Actually, hindi po ito yung last ko. Ahhh, meron po akong naka-line up na Sitio Diablo kay Direk Roman (Perez) naman po.
“At yung pagpapaseksi naman po and showbiz, never ko naman po sinabi na mawawala ako. Gagawa pa rin po ako,” pahayag ng dalaga.
Paliwanag ng aktres, masaya siya sa pagpapaseksi ngunit plano niya itong bawasan.
“At yung pagpapa-sexy, gusto ko po siya, masaya po ako du’n. Never ko na pong bibitawan yung pagpapa-sexy. Siguro, parang bawas-bawas lang din po siguro ako ngayon. Yun lang,” sey nito.
Aniya, natutuwa nga umano siya sa tuwing tinatawag siya ng mga netizen ng ‘Pantasya ng Bayan’.
Siguro po gusto ko na lang po mag-prepare, mag-workout. Ang pagpapa-sexy naman po, gusto ko talaga siya. Natutuwa naman po ako kapag tinatawag akong ‘Pantasya ng Bayan.’ Kung ngayon po, kung magpapa-sexy po ako, gusto ko po yung may meaning po talaga,” dagdag pa nito.

Comments
Post a Comment