Delivery rider nahimatay sa sobrang init
Nadurog ang puso ng mga netizen sa litrato ng isang delivery rider na nawalan ng malay sa kanyang motorsiklo dahil sa init ng panahon.
Ibinahagi ng Facebook page na PapaMoto ang nag-viral na mga litrato ng isang Grab Food driver.
Makikitang nakasalubsob sa motorsiklo ang rider sa gilid ng kalsada.
Batay sa mga screenshot ng pag-uusap ng isang good samaritan at misis ng naturang rider, nakaramdam ng pagkahilo ang rider bandang alas-12:45 ng tanghali.
“Nahilo daw siya tapos tumigil siya sa tabi tapos hindi na daw niya alam nangyari, nasa ulap na daw siya kanina,” saad ng misis.
Narito ang reaksyon ng ilang netizen:
“Ingt kayo. Wag masydo magpakapgod. Tandaan nyo katwan ang puhunan ninyo.at my mga pamlya kayong nag aantay sa pag uwi nyo.”
“Ganyang taginit magingat po kayo.”
“Laging mag ingat at lalong wag mo kalimutan uminom ng tubig lalo na sa panahon ngayon alalahanin mo meron nag aantay palagi sa pag uwi mo.”

Comments
Post a Comment