Albie sinuyo si Alexa, pinatikim ng mani
Nakabawi na si Albie Casiño kay Alexa Ilacad matapos nilang magkaasaran sa loob ng ‘Pinoy Big Brother’ house dahil sa pagkain.
Sa Instagram story ni Albie, makikitang nasa loob ng isang convenience store si Alexa at pinagmalaki ang binili sa kanyang peanut butter ng dating co-housemate.
“Oh yan na guys ah bilinilhan ko na siya ng peanut butter,” sey ni Albie with matching laughing emoji.
Matatandaang nagkaroon ng tampo si Albie matapos ipilit ni Alexa ang peanut butter sa kanilang weekly budget.
Dahilan noon ni Albie, masyado raw mahal ang peanut butter sa bahay ni Kuya at pwede pang bumili ng ibang produkto na mas mahalaga.

Comments
Post a Comment