Madalas maglasing! Baron balik sa bisyo

 Isiniwalat ng asawa ni Baron Geisler na si Jamie na bumabalik na naman sa kanyang bisyo ang aktor.



Ayon kay Ogie Diaz sa “Showbiz Update,” nakachat niya umano si Jamie tungkol sa lumabas na video kamakailan kung saan mapapanood na nagtatalo sila ni Baron.



 

Paliwanag ni Jamie, bumabalik na naman kasi sa pag-iinom si Baron na nagbibigay umano sa kanilang mga anak ng trauma.


“Grabe pag-relapse niya lately. Last December medyo traumatic for the kids so I told him, ‘Pag iinom ka, huwag dito sa bahay,’” paliwanag ni Jamie


Kuwento ni Jamie, nakatakda sanang lumipad sila Baron pa-Maynila para sa trabaho nito, ngunit sinundo siya ng kaibigang babae para mag-inom sa isang hotel dahilan para hindi nila maabutan ang kanilang flight.


Kinabukasan ay naka-resched na ang kanilang pag-alis subalit hindi pa rin umano sila nakakaalis dahil umiinom pa rin si Baron.


Dahil dito, napuno at tumawag na si Jamie sa rehab center para i-admit ang asawa, na siyang dahilan kung bakit na-paranoid umano ito at nag-video.


“I’ve been very patient and forgiving for how many years so napuno na siguro ako. Tumawag ako ng taga-rehab para maka-detox siya doon for a few days and ma-resched ang dubbing sa Manila but he got so paranoid. Nag-video siya I guess to seek sympathy,” saad ni Jamie.


Nang tanungin ni Ogie kung gaano kadalas umiinom ni Baron, sinagot ito ni Jamie: “So three days siya iinom then ‘pag huminto na, he gets depressed. Nasa kwarto lang siya for three to four days.”


Sa huli, bagamat kaya niya umanong intindihin ang asawa, dapat din daw nitong tulungan ang kanyang sarili na makawala sa bisyo.


“I told him to learn to be independent kasi magfo-forty na siya. Intindihin na lang natin kasi may chemical imbalance na talaga siya pero he also has to help himself,” dagdag pa nito.

Comments

Popular posts from this blog

Barbie Imperial naki-tagay habang nasa motorcade

Babae patay sa non-stop s3x

Gusto pa dagdagan anak: Iya ‘adik’ sa pagbubuntis