Sobrang Sweet ang New Loveteam na Zoren - Lianne
Sey mo Carmina? Lianne Valentin nanginig sa romansa ni Zoren
ENTERTAINMENT
By Abante News Last updated Apr 28, 2022
Pinakalma ni Zoren Legaspi ang bagong sexy actress ng GMA na si Lianne Valentin sa mga maiinit na eksena nila sa teleserye na ‘Apoy Sa Langit’.
Sa first taping day daw nila ni Lianne ay naramdaman na niyang kinakabahan ito. Ramdam daw ito ni Zoren dahil tuwing hahawakan daw niya ito ay nanginginig daw ito. Kaya kinausap daw ito muna ni Zoren bago nila tinuloy ang mainit na eksena.
“Even before nag-start ang lock-in taping namin, I was trying to get to know Lianne first. Gusto kong makilala siya nang husto para pagdating sa actual shoot ng mga eksena namin, mare-relax siya sa akin. Eh ang mga eksena namin, hindi basta-basta dahil kailangan intimate kaming dalawa. When I asked her kung alam ba ito ng parents niya at okey lang ba sa kanila, ‘di siya nakasagot agad. So naisip ko na she’s on her own. Kaya niya siguro itong gagawin namin,” sey ni Zoren.
Sinabi ni Zoren kay Lianne na kung hindi niya kaya, she can always back out at may iba silang kukunin na kapalit niya. Kung gusto raw niyang ituloy, lakasan niya ang loob niya at huwag niyang palagpasin ang opportunity na madirek ni Laurice Guillen. Doon na raw nahimasmasan si Lianne at sa mga magkakasunod na eksena nila ni Zoren ay nawala na ang takot nito.
“Professional tayong lahat sa set and Lianne has nothing to worry about. Sinabi ko sa kanya na itong mga kamay ko, hahawak ang mga ito sa iba’t ibang parte ng katawan niya. Parte iyon ng character ko na kailangan niyang i-receive. Tapos may mga kissing scenes pa kami. I know it’s a lot to take in, pero kung serious ka sa propesyon na ito, lahat ito ay trabaho lang,” diin pa ni Zoren.
Well, ano kaya ang masasabi ni Carmina Villarroel? (Ruel Mendoza)

Comments
Post a Comment