Luis excited na buntisin si Jessy

 Tila hindi na rin makapaghintay si Luis Manzano na magdalang-tao ang kanyang misis na si Jessy Mendiola.



Ito kasi ang isa sa mga birthday wish ng actor-host.



 

Sa YouTube vlog ni Jessy, ipinakita nito ang pagdiriwang nila ng kaarawan ni Luis, kung saan hiniling nito na mag-dive.


Sa nasabing vlog din, tinanong ni Jessy kung ano ang iba pang birthday wish ng kanyang asawa.


Ani Luis, “[Good] Health para sa ating lahat syempre, success, peace of mind, and ah… lagyan na natin ‘to [sabay tapik sa tiyan ni Jessy].”


Samantala, maging ang kanilang fans ay excited na rin para sa kanilang baby. Narito ang kanilang komento:


“See sobrang sarap tingnan ng relationship nilang dalawa..ndi toxic..walang drama..cant wait to see na soon may little luis and little jessy na kayong kasama..but no pressure tho..enjoy nyu muna kung anu meron kau now..more blessings and keep the fire burning!” pahayag ng isa.


“Bagay na bagay talaga kayong dalawa, sweet na sweet sa isa at isa. I love your vlogs. I pray na magkaroon na kayo ng baby,” saad ng isa pa.


“Genuine talaga ang love nila wlang halong pakitang tao lang,,ramdam na ramdam talaga na sobrang bait ni Luis at Jessie,,Sana magkababy na kayo,,Godbless,” hirit naman ng isa pa.


Comments

Popular posts from this blog

Barbie Imperial naki-tagay habang nasa motorcade

Babae patay sa non-stop s3x

Gusto pa dagdagan anak: Iya ‘adik’ sa pagbubuntis