Ayanna ‘nasarapan’ sa kissing scene kay AJ Raval: Super lambot ng lips niya

 Ibinahagi ng sexy actress na si Ayanna Misola kung ano ang pakiramdam na mahalikan ni AJ Raval.


Sa palabas kasing “Iskandalo” sa Vivamax, nagkaroon ng kissing scene ang dalawang sexy star.



 

Ani Ayanna, kung papanoorin umano ang trailer ay makikita dito ang pasilip sa naging eksena nila ni AJ.



“Kung napanuod niyo yung trailer, pinakita na halos lahat sa trailer eh. Kailangan niyo na lang siya panuorin sa Vivamax para mapanuod niyo ng buo yung mga scenes. Same pa rin as before pero mas intense yung mga scenes at saka mas maganda yung kuwento nito. Ang ganda nung character ko dito,” pahayag ng actress sa media conference ng “Iskandalo.”


“Naka-partner ko dito si AJ sa Iskandalo. Wala namang lasa pero super lambot ng lips niya,” pagbabahagi ni Ayanna.


Ipinaliwanag din nito na hindi lang puro hubaran ang mapapanood sa nasabing palabas dahil may mapupulot ditong aral.


Saad niya, nangyayari rin umano kasi sa totoong buhay ang kwento sa “Iskandalo.”


“Sana panuorin niyo muna yung series bago niyo i-judge dahil maganda yung story and yung tina-tackle namin dito nangyayari talaga siya in real life. Maraming tao yung nakaka-experience nun. Hindi lang siya tungkol sa hubaran or what,” dagdag pa nito.

Comments

Popular posts from this blog

Barbie Imperial naki-tagay habang nasa motorcade

Babae patay sa non-stop s3x

Gusto pa dagdagan anak: Iya ‘adik’ sa pagbubuntis