AJ pinagpasahan ng 4 na aktor: Napagod, naiyak

 Inamin ni AJ Raval na naiyak na lang siya sa sobrang pagod sa gitna ng shooting ng pelikulang ‘Kaliwaan’ kung saan nakasama niya sa mabibigat na eksena ang apat na aktor.



Ang mga ito ay sina Juami Guitierrez, Vince Rillon, Mark Anthony Fernandez at Felix Roco.


Ang Kaliwaan ay hindi lamang tungkol sa mga sex scene kundi mayroon din itong torture. Sa madaling sabi, isa itong splatter film.


Kaya naman, gayon na lamang ang pagod ni AJ sa gitna ng shooting nito.


“Meron pong araw na parang… buong isang araw, puro karga lang ako. Umiiyak po ako,” kwento ng aktres. “Tapos, nung pack-up na po kami, dala-dala ko pa rin siya. And then, tumakbo po ako sa friend ko. Lock-in kami nun, e.”


“Tapos pumunta ako sa friend ko. Tapos pumunta lang ako dun, iyak lang ako nang iyak. Hindi ko po alam bakit ako umiiyak,” dagdag pa ni AJ. “Parang nadala ko po yung emosyon ng karakter.”

Comments

Popular posts from this blog

Barbie Imperial naki-tagay habang nasa motorcade

Babae patay sa non-stop s3x

Gusto pa dagdagan anak: Iya ‘adik’ sa pagbubuntis